NCR at Bulacan, GCQ with some restrictions simula June 16
Sasailalim sa General Community Quarantine (with some restrictions) ang buong National Capital Region at Bulacan simula June 16, 2021 hanggang June 30, 2021.
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang lingguhang Ulat sa Bayan ngayong gabi.
Ang GCQ (with some restrictions) ay mas maluwag kaysa sa naunang GCQ with heightened restrictions na ipinatupad noong May 16, 2021 hanggang May 31, 2021 at GCQ with restrcitions noong June 1, 2021 hanggang June 15, 2021.
Balik naman sa mas mahigpit na GCQ with heightened restrictions ang Rizal, Laguna, at Cavite simula June 16, 2021 hanggang June 30, 2021.
Sasailalim naman sa normal na GCQ ang mga sumusunod na lugar:
Cordillera Administrative Region: Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra at Benguet .
Region 2: Isabela Nueva Vizcaya, at Quirino
Region 4-A: Batangas, Quezon
Region 10: Iligan City
Region 11: Davao del Norte
Region 12: General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato at South Cotabato
BARMM: Lanao del Sur at Cotabato City
Samantala, mas mahigpit na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) naman ang ipatutupad sa mga sumusunod na lugar mula June 16, 2021 hanggang June 30, 2021:
Region 2: City of Santiago at Cagayan
CAR: Apayao at Ifugao
Region 3: Bataan
Region 4A: Lucena City
Region 4B: Puerto Princesa
Region 5: Naga City
Region 6: Iloilo City at Iloilo (province)
Region 7: Negros Oriental
Region 9: Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Zamboanga del Norte
Region 10: Cagayan de Oro City
Region 11: Davao City
CARAGA: Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur.
Ang iba pang mga lugar na hindi nabanggit ay mananatili naman sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ).