NCR at iba pang lugar, mananatili sa MECQ hanggang September 7, 2021

Mananatiling nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at iba pang mga lugar hanggang Setyembre 7, 2021 batay sa rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Magpapatupad pa rin ng karagdagang restrictions sa NCR, Bataan at Laguna gaya ng pagbabawal ng dine-in sa mga kainan, hindi pa rin pinapayagang magbukas ang mga personal care services, at religious activities.

Narito ang listahan ng quarantine classifications na ipatutupad mula Setyembre 1 hanggang September 7, 2021.

Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)

Luzon

National Capital Region

Apayao, Ilocos Norte, Bulacan at Bataan sa Region 3

Cavite, Lucena City, Rizal at Laguna sa Region 4-A

Visayas

Aklan, Lalawigan ng Iloilo at Lungsod ng Iloilo sa Rehiyon 6

Lungsod ng Lapulapu, Lungsod ng Cebu at Lungsod ng Mandaue sa Rehiyon 7

Mindanao

Lungsod ng Cagayan de Oro

General Community Quarantine (GCQ) with heightehed restrictions

Luzon

Ilocos Sur, Cagayan, Quezon at Batangas at Naga City

Visayas

Antique, Bacolod City at Capiz sa Rehiyon 6 Lalawigan ng Cebu at Negros Oriental sa Rehiyon 7

Mindanao

Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidenta, Davao de Oro, at Butuan City

General Community Quarantine (GCQ)

Luzon

Baguio, Santiago City, Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya, Tarlac, at Puerto Princesa

Visayas

Guimaras at Negros Occidental

Mindanao

Zamboanga Sibugay, Zamboanga City at Zamboanga del Norte sa Region 9 Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11

General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12

Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands sa CARAGA

Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)

Ang lahat ng iba pang mga lugar na hindi nabanggit ay mananatili sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Please follow and like us: