NCR mananatili sa Alert Level 3 hangga’t hindi umaabot sa 71% highly critical risk condition ang hospital bed utilization – Malakanyang
Mananatili sa alert level 3 ang National Capital Region o NCR hanggang January 31 sa kabila ng patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 dulot ng Omicron variant.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na bagama’t totoong tumataas ang 2 weeks positivity rate at average daily attack rate ng COVID-19 sa NCR hindi naman umaabot sa 71 percent ang hospital bed utilization na itinuturing na highly critical risk condition na tatlong criteria na pinagbabatayan ng Inter Agency Task Force o IATF para magtaas ng alert level sa isang lugar.
Ayon kay Nograles, itataas ng IATF ang alert level sa isang lugar kapag ang tatlong criteria ay nasa highly critical risk condition na.
Inihayag ni Nograles bagamat kinumpirma na ng Department of Health o DOH na mayroon ng community transmission ang Omicron variant ng COVID-19 sa NCR nanatiling manageable parin ang hospital bed utilization.
Vic Somintac