NCR, Region 3 at Region 4-A, may pinakamataas na bilang ng pasyenteng may kidney disease at nagda-dialysis ayon sa NKTI
Nananawagan ang National Kidney and Transplant Institute sa publiko na pangalagaan ang kanilang kidney o bato.
Kasunod ito ng pagdiriwang ng NKTI ng kidney month sa buwang ito.
Ayon kay Dr. Rosemarie Rosete-Liquete, Director ng NKTI, mayroong 15,000-17,000 na indibidual ang dinadapuan ng sakit sa bato taon taon ngunit nasa limang daang kidney transplant patients lamang ang kayang mabigyan ng serbisyo ng kanilang.
Ito ay dahil sa kakulangan ng kidney donors, mataas na halaga ng procedure at mga kailangang gugulin para sa maintenance pagkatapos ng operasyon.
Sinabi pa ni Dr. Liquete na isang porsiyento ng kanilang pasyente na may sakit sa bato ay mga bata.
Dagdag pa ni Dr. Liquete na ang NCR, Region- 3 at 4-A, ang may pinakamataas na bilang ng mga pasyenteng may sakit sa bato at kasama na dito ang sumasailalim sa dialysis.
Ulat ni: Anabelle Surara