State of Calamity , ideneklara na sa NCR Region
Ideneklara na sa State of calamity ang buong Metro Manila dahil sa matinding pagbaha na epekto ng bagyong Carina at Habagat.
Ito ang napagkasunduan sa pulong ng Metro Manila Council o MMC NA pinangunahan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Nauna nang unang inirekomenda ni Abalos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang, ngunit ipinaubaya ng Pangulo sa mga local chief executives ang pagpapasya.
Paliwanag ng Pangulo na ang pagdedeklara ng State of calamity ay upang makakuha ng pondo sa National government ang mga apektadong LGUs.
Dahil dito agad na ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa lahat ng concerned government agencies ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga apektado ng bagyong Carina at Habagat.