NCRPO Acting Chief Debold Sinas, nag-courtesy call sa Korte Suprema
Bumisita sa Korte Suprema si National Capital Regional Police Office (NCRPO) Acting Chief Brigadier General Debold Sinas.
Kasama ni Sinas na nag-courtesy call ang iba pa niyang mga tauhan sa NCRPO..
Si Court Administrator Jose Midas Marquez ang humarap at sumalubong kina Sinas.
Wala si Chief Justice Diosdado Peralta dahil ito ay dumadalo sa continuing Legal Education program para sa mga Court Attorneys ng Court of Appeals sa isang hotel sa Maynila.
Muling nagbigay ng lektura si Peralta ukol sa mga updates sa Criminal Law.
Kapansin-pansin naman ang madaming pulis kabilang na ang mga SWAT team sa labas ng Supreme Court sa pagtungo ni Sinas sa Kataas-Taasang hukuman.
Ulat ni Moira Encina