NCRPO: Walang banta ng terorismo sa Metro Manila pero publiko dapat manatiling vigilant

                                                 photo credit: pnp.ncrpo.gov.ph

 

Nananatiling naka-heightened alert ang National Capital Regional police office upang matiyak ang seguridad sa buong Metro Manila.

Ito’y matapos ang pambobomba sa isang highway sa Sultan Kudarat kamakailan.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, tuluy-tuloy ang kanilang koordinasyon at pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para ma-monitor ang mga posibleng banta ng terorismo.

Bagamat sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na anumang banta sa terorismo, nanawagan si Eleazar sa publiko na manatiling mapagmatyag at alerto.

Hinihimok natin na patuloy nating gawin ang araw-araw nating ginagawa. Huwag tayong madistract sa mag nangyayari sa Mindanao bagamat samahan natin ito ng pagiging vigilant”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *