NDRMMC, kinansela ang Nationwide simultaneous earthquake drill sa Sept. 21
Kinansela na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na nakatakda sanang gawin sa Huwebes, September 21.
Ito ang inanunsyo ni NDRRMC Chairperson at National Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay Lorenzana, ang postponement ng drill ay upang bigyang laya ang mga makikilahok sa mga protesta.
Magugunitang idineklara ni Pangulong Duterte na National Day of Protest sa September 21.
Ulat ni: Bea Miranda
Please follow and like us: