NDRRMC chief Jalad, nagpositibo sa COVID-19
Nagpositibo sa COVID-19 si National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director Undersecretary Ricardo Jalad.
Ayon ito sa kaniyang tagapagsalita na si Mark Timbal.
Aniya, si Jalad na siya ring administrador ng Office of the Civil Defense (OCD), ay nagpositibo sa virus kahapon (Aug.26), kung saan kabilang siya sa 116 na positibo ang naging resulta ng Covid test.
Ayon kay Timbal, mild lamang ang sintomas ni Jalad at kasalukuyan na itong naka-isolate. Fully vaccinated na aniya ang opisyal at ipinabatid nito sa kaniya na mabuti naman ang lagay nito.
Samantala, sarado ang OCD Central Office hanggang sa Lunes, Aug. 30.