NDRRMC nagtaas ng blue alert status bilang paghahanda sa Bagyong Paolo
Nakalagay na sa blue alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC bilang paghahanda sa posibleng epektong dulot ng papalakas na bagyong Paolo gayundin ang low pressure area na huling namataan sa bahagi ng Palawan.
Ayon kay Mina Marasigan tagapagasalita ng NDRRMC, nagtalaga na ng kinatawan ang bawat sangay ng pamahalaan sa operations center na nasa camp aguinaldo kasabay na rin ng pagsasagawa ng pulong bilang paghahanda sa epekto ng naturang bagyo.
Bagamat aniya hindi inaasahang magla-land fall ang bagyo sa bansa mainam na rin maging handa dahil magdudulot ito ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao.