NDRRMC, tiniyak na sapat ang pondo para sa epekto ng Bagyong Odette
Tiniyak ni Office of civil defense administratot at NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad, na may sapat na pondo ang pamahalaan para tustusan ang gastusin sa pagtugon sa bagyong Odette.
Sa gitna ito ng pangamba na paubos na ang budget ng mga ahensya ng gobyerno dahil sa patapos na ang taon.
Pinaliwanag ni Jalad na kung maubos man ang budget para sa taong ito, may panibagong alokasyon naman para sa susunod na taon.
Sa ngayon aniya ay may 331 million pesos na halaga ng standby resources ang naka-preposition bilang pantulong sa mga apektadong mamamayan.
Bukod pa aniya ito sa standby fund na hawak ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan para sa mga kalamidad.