NEA may dagdag power supply sa Occidental Mindoro
Pagaganahin ng National Electrification Administration (NEA) ang karagdagang power supply sa Occidental Mindoro para tugunan ang nararanasang rotational brownout sa lalawigan.
Ito’y matapos magkasundo ang NEA at ang Power Systems Inc (PSI) na paganahin ang power plant ng PSI sa San Jose, Occidental Mindoro simula sa Sabado, April 29, bilang karagdang supply sa lalawigan.
Sa loob ng dalawang buwan, rerentahan ng NEA ang PSI para sa karagdagang 5 megawatts ng kuryente na kailangan ng probinsya.
Samantala, nangako naman ang DMCI na maglalabas ng 10 megawatts sa loob ng 30 araw at 7 megawatts sa loob ng dalawang buwan, bukod sa ilang units ng diesel generator sets mula sa Region 8.
Ang nasabing planta may inaasahang kapasidad na 5 to 6 megawatts para sa supply ng humigit-kumulang 6 hanggang 7 oras na kuryente kada araw.
Nakikipag-usap narin ang NEA sa iba pang electric cooperatives sa iba’t-ibang probinsiya sa bansa upang mkatulong sa nararanasang krisis sa Occidental Mindoro.
JImbo Tejano