NEDA kumbinsido sa long-term economic gains sa pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund
Kumbinsido ang National Economic and Development Authority o NEDA ang pangmatagalang benepisyo ng bansa sa pagsasabatas ng Maharlika Investment Fund o MIF.
Sa isang statement sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na akma ang MIF, na pangangasiwaan ng Maharlika Investment Corporation o MIC sa umiiral na investment platforms at susuporta sa pagpopondo sa flagship projects ng pamahalaan, partikular sa infrastructure sector.
Para dagdagan ang inisyal na kapitalisasyon na 125-billion pesos sa government securities, makakapagpasok ng higit na benepisyo sa ekonomiya ang MIF kung makakahikayat ng co-investments at mababayaran ng buo ang authorized capital stock na 500-billion pesos.
Kabilang sa potential areas na maaring mamuhunan ang MIF ay sa 194 infrastructure flagship projects ng ‘Build-Better-More’ program.
Dagdag pa ng NEDA chief na magiging mahalagang alternatibo sa pagbabawas ng utang ang MIF sa sandaling matamo ng bansa ang Upper Middle-Income Country at hindi na magiging kwalipikado sa concessionary loans gaya ng Official Development Assistance o ODA.
Dagdag pa ni Balisacan na magiging bahikulo ang sovereign investment fund bilang behikulo para suportahan ang paghahangad ng bansa para sa mabilis, inclusive at sustainable development ng kasalukuyang administrasyon at sa mga susunod pa.
Weng dela Fuente