Negatibong epekto ng pagsasara ng Tandang Sora flyover, pinagpulungan

Simula na sa Biyernes, February 23 ang pagsasara ng Tandang Sora flyover upang bigyang-daan ang konstruksyon ng MRT-7.

Kaugnay nito, nagpulong ngayong araw ang mga opisyal ng Quezon City local government, MMDA, PNP, Liga ng mga Barangay at iba pang stakeholders upang makabuo ng mga solusyon sa negatibong epekto ng pagsasara ng flyover at Katipunan intersection roads.

Isinabay na rin ng Q.C. Gov’t. ang konsultasyon at pagpapaabot ng impormasyon sa kanilang mga nasasakupan sa pamamagitan ng mga opisyal ng mga barangay na dumalo rito sa meeting.

Sinabi ni Vice-Mayor Joy Belmonte na mahalagang maimpormahan at maging aware ang mga tao sa magiging epekto ng pagsasara ng Tandang Sora flyover at Katipunan intersection lalo na sa trapiko.

Tiniyak naman ni MMDA Undersecretary  Jose Arturo Garcia Jr. na gagawin nila ang trabaho para maisaayos ang daloy ng trapiko subalit kailangan pa rin ang tulong ng QC Gov’t., PNP at lahat ng stakeholders lalo na ang publiko.

Aniya, isa sa solusyon para mabawasan ang traffic ay ang ilalagay na U-Turn slots sa bahagi ng Microtel at CW Home depot.

Kailangan lang aniya ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko para maiayos ang trapik.

Sakaling mailagay na ang nasabing mga u-Turn slots, giginhawa na ang biyahe ng mahigit 100,000 motorista na dumadaan sa Commonwealth Avenue dahil ang nalalabing 8 hanggang 9 na lanes ay derederecho na ang biyahe ng nga sasakyan.

Dalawang lanes lamg aniya ang isasama sa isasara habang ginagawa ang MRT- 7.

Ipinanukala naman si Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol Jr., na bumuo ng Task Force ang mga Barangay na malapit sa Commonwealth Ave., para sila ang magmando ng trapiko sa kanilang sakop.

 

Ulat ni Eden Santos

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *