Negosasyon ng ASEAN at China sa code of conduct sa South China Sea, itutuloy sa March 8 hanggang 9
Ipagpapatuloy ng ASEAN at Tsina ang negosasyon at deliberasyon sa code of conduct (COC) sa South China Sea sa Marso 8 hanggang 9.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza na gaganapin ito sa ASEAN Secretariat sa Jakarta, Indonesia.
Ito aniya ang ika-38 pulong ng Joint Working Group.
Ayon kay Daza, itutuloy sa pagpupulong ang negosasyon sa lalamanin o single negotiated text ng COC.
Ang pinakahuling COC negotiation ay isinagawa noong nakaraang taon sa Cambodia.
Partikular na tatalakayin ang parehong texts ng general provisions ng COC na isinalang sa deliberasyon sa Cambodia noong 2022.
Layunin ng COC na mabawasan ang tensyon sa pinagaagawang teritoryo.
Moira Encina