Negosasyon para sa susunod na Senate President, umuusad na
May nagaganap na umanong negosasyon at compromise agreement sa usapin kung sino ang maluluklok na susunod na lider ng Senado.
Sa harap ito ng posibleng banggaan sa pagka-Senate President ng mga Senador na kaalyado ng administrasyon.
Ilan sa mga contender ay sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senador Cynthia Villar na kapuwa supporters ng administrasyon.
Pero ayon kay Senador Imee Marcos, dapat magkaroon ng compromise agreement gaya ng posibleng term sharing sa pagka-Senate President.
Dapat aniya na manggaling sa Uniteam at may malakas na hatak sa mga kasamahan ang sinumang maitatalaga sa puwesto para matiyak na uusad ang mga priority bills ng administrasyon.
Ayon sa isang source, leading sa mga contender si Zubiri na may 12 supporters kasama na ang tinaguriang seatmates sa Senado, 8 naman kay Villar habang 4 ang posibleng mapabilang sa oposisyon.
Meanne Corvera