Negosyo hindi apektado ng Martial Law sa Mindanao ayon sa Malakanyang

Walang epekto sa pagnenegosyo sa bansa ang nagaganap na kaguluhan sa Marawi City na kagagawan ng teroristang Maute group.

Ito ang inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa briefing sa Malakanyang.

Ayon kay  Lopez maging siya ay nagtataka sa investment industry na hindi natinag sa kaguluhan sa Marawi City kung saan nasa ilalim ng Martial Law ang buong Mindanao.

Inihayag pa ni Lopez ang tinitignan ng mga investor ay ang economic fundamentals ng bansa.

Niliwanag ni Lopez na nakikita rin ng mga investors ang magandang market potential sa bansa dahil na rin sa pagdami ng mga young consumer.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *