Negros Oriental Congressman Arnie Teves humihirit ng dalawang buwan na bakasyon with official travel authority extension
Limang araw ang ibinigay na palugit ng House Committee on Ethics na pinamumunuan ni Congressman Felimon Espares kay Negros Oriental Congressman Arnie Teves upang magpa-liwanag hinggil sa expired niyang travel authority.
Ayon kay Congressman Espares magpapadala ang Komite kay Teves ng komunikasyon upang hingin ang panig ng Kongresista sa kanyang napasong travel authority.
Batay sa record ng Office of the Secretary General ng Kamara mula February 28 hanggang March 9 lang ang pinayagang biyahe ni Teves sa Estados Unidos.
Humingi si Teves ng extension ng travel authority with official leave hanggang May 9 ngunit hindi pinagbigyan ni House Speaker Martin Romualdez dahil hindi matukoy kung nasaan siyang bansa ngayon.
Dahil sa kawalan ng travel authority ni Teves itinuturing na siyang AWOL o Absence Without Official Leave dahil hindi niya nagagampanan ang kanyang legislative duty.
Vic Somintac