Negros Oriental may bago ng gobernador matapos ang ginawang recanvassing ng mga boto
Ilang buwan matapos ang May 9 elections, may bagong gobernador na iprinoklama para sa Negros Oriental.
Ito ay si Roel Degamo, na iprinoklama bilang nanalong gobernador ng lalawigan para sa ginanap na May 9 elections.
Una rito, binawi ng Comelec ang proklamasyon kay Pryde Henry Teves bilang nanalong gobernador ng Negros Oriental.
Kasunod ito ng pagkatig ng en banc sa naunang desisyon ng 2nd Division ng poll body pabor kay Roel Degamo laban ay ideklarang nuisance ang nakalaban nito na si “Greco Degamo” na gumamit ng alyas na “Ruel Degamo” noong eleksyon.
Sa utos ng en banc, ang boto para kay Ruel Degamo ay ibibigay kay Roel Degamo.
Kaya sa updated canvass ng Special Provincial Board of Canvassers, lumalabas na si Degamo ay nakakuha ng 331,726 na mga boto, habang ang nakalaban nito na si Teves ay nakakuha ng 301,319 na mga boto.
Madelyn Villar-Moratillo