Negros provinces, posibleng ilagay sa land reform

 

Ikinukonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa land reform ang buong Negros island.

Sinabi ng Pangulo na ito ay upang maresolba ang piyudalismo o problema sa lupain na anyay pangunahing problema sa lugar.

Matatandaang ipinag-utos ng Presidente ang karagdagang tropa ng pulisya at militar sa Negros Oriental at Negros Occidental dahil sa naganap na masaker sa bayan ng Sagay na ikinasawi ng siyam na magsasaka.

Naniniwala ang Pangulo na ang sanhi ng mga kaguluhan sa lalawigan ay lupain.

Hindi anya mareresolba nang mapayapa ang mga problema kung hindi matutugunan ang problema sa piyudalismo.

Ayon pa sa Pangulo, sinasamantala ng mga rebelde ang sitwasyon sa pagbuo ng mga pederasyon ng mga magsasaka na kalauna’y hahanap ng mga bakanteng lupain at iookupa ang mga ito.

Nauna nang itinuro ng Presidente ang New People’s Army (NPA) na nasa likod ng pagkakasawi ng siyam na magsasaka sa Sagay.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *