Nestle, magbubukas ng bagong $43-M Ukraine factory
Sinabi ng Swiss food giant na Nestle, na magbubukas ito ng bagong production site sa Ukraine, at mamumuhunan ng milyun-milyon sa isang factory at production network na nakatakdang kumuha ng 1,500 manggagawa.
Sa pahayag ng kompanya na mayroong tatlong pasilidad sa Ukraine bago naganap ang pagsalakay ng Russia, ay nakasaad “Nestle is announcing the opening a new production site in Ukraine. 40 million Swiss francs ($43 million) will be invested in production in Smolyhiv located in Volyn region, in the western part of the country.”
Ayon sa kompanya, layon nito na maragdagan ang kapasidad ng noodles culinary production sa Ukraine at sinabing nais din nitong suportahan ang paglago ng ekonomiya ng Ukraine, na lubhang naapektuhan simula nang sumalakay ang Russia noong Pebrero.
Sinabi ni Alessandro Zanelli, pinuno ng Nestle South Eastern Europe Market division, “I am proud to confirm our commitment to invest in Ukraine. This is an important move for Nestle, taken in a very challenging time for the country.”
Kasama ng Torchyn factory, ang Volyn production network ang magiging European regional hub ng Nestle para sa kanilang food at culinary products.
Nakasaad pa sa statement, “The Hub will employ 1,500 people and aim to supply both Ukrainian and all other European markets.”
Binigyang-diin din ng Nestle na mula pa noong simula ng digmaan ay nagbibigay na ito ng humanitarian aid na kinabibilangan ng “kinakailangang pagkain at inumin para sa mga Ukrainian at kanilang mga alagang hayop.”
Ayon pa sa pahayag ng kompanya, nakapag-donate na ito ng higit sa 4,000 tonelada ng mga produkto upang suportahan ang mga taga Ukraine, kapwa ang mga nasa loob ng bansa at ang mga lumikas sa mga katabing bansa.
© Agence France-Presse