NET 25 Cup matagumpay na naisagawa
Nagtagisan ng lakas ang mga empleyado sa ibat ibang departamento ng net25 sa isinagawang NET25 Cup
Ginawa ito sa Central Recreation and Fitness center sa central avenue sa Quezon City
Unang nagharap sa womens volleyball ang team gold ng news department at black team ng human resources
Tinambakan at inilampaso ng gold team ang black team sa tatlong set ng laban.
Pero sabi nga nila sports lang manalo man o matalo
Humataw naman sa mens badminton ang mga kinatawan ng ASPN at Mata ng Agila primetime.
Mahalaga raw sa kanila ang ganitong physical activities para maging maliksi rin ang isip at makapaghanap ng mga bagong idea sa kanilang mga ipinapalabas
Nagpakitang gilas naman sa table tennis ang mga taga finance department.
Importante sa larong ito ang disiplina para makamit ang tagumpay
Dalawamput dalawa naman ang nagpaligsahan sa bowling tournament pero lima lang sa kanila ang pumasok sa final round.
Habang nagharap sa basketball ang gold team na kinabibilangan ng Engineering -Art Deparment laban sa koponan ng black team na pawang mga taga news team at radyo agila
Inilampaso ng black team ang gold team score na 58 sa fourth quarter ng laro.
Masaya ang mga empleyado, talent, anchors at iba pang mangagawa na pagkatapos ng dalawang taong pandemya may ganitong sports activity.
Paraan din ito ng pakikipag bonding sa mga kapwa empleado ngayong unti unti na ulit bumabalik sa normal ang buhay matapos ang covid 19 pandemic
Ayon sa management ng net25, bago pa man magpandemya regular na itong ginagawa ng tv network para tulungang palakasin ng katawan at mental health ng mga mangagawa matapos ang pandemya
Nakatutulong ang mga ganitong aktibidad para sa magandang relasyon ng bawat isa