NET 25 News Anchor Gelmi Miranda tumanggap ng parangal mula sa “Sultanate of Sulu”
Panibagong parangal ang natanggap ng news anchor ng Mata ng Agila Weekend na si Gel Miranda.
Isa si Ms. Miranda sa pinarangalan sa ginanap na “Conferment of the Rank of Datos and Ambassadors of selected Malaysians and Filipinos” at ang pagkakaloob ng “Meritorious Awards ni Sultan Mudarasulail Kiram of the Royal Sultanate of Sulu” sa Berjaya Hotel sa Makati City.
Bukod sa pagiging kinatawan ng broadcast media, isa si Gel sa naghahatid ng balita at impormasyon ukol sa proyekto at gawain na nagsusulong ng agham at teknolohiya.
“Nagpapasalamat tayo sa Net 25 at maging sa Department of Science and Technology dahil nagkaroon tayo ng bagong adbokasiya partikular sa larangan ng Science and Technology na maraming naibabahagi sa buhay ng tao, lahat may bahagi ang siyensiya sa ginagawa natin araw-araw”. – Ms. Gel Miranda
Kabilang din sa mga naitalaga bilang Ambassadors sina Congressional Spouses Foundation Inc. President Emelita Apostol Alvarez, Princess Limpayen Sibug Las, NCRPO Spokesperson PCI Kimberly E Molitas, Tagaytay City Jail Chief Warden Aries Williamere A. Villaester, at Gawad Filipino Foundation Chairman Danilo B. Mangahas at iba pa.
Kabilang naman sa nailuklok bilang “Dato” sina Senatorial Candidate Manny Lopez at media practitioners spouses Camilo Belleza Millendez at Elnora Tiongco Millendez.
Ang pagkakaloob ng titulong ”Datos at Ambassadors” at “Meritorious Service Award” ay ginagawa taun-taon kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni Sultan Mudarasulail Kiram.
Ulat ni: Onin Miranda