Net income ng Globe, tumaas sa Php23.7-B noong 2021
Naitala ng telecommunication company na Globe ang pagtaas ng mobile revenue at pagdami ng subscribers nito noong 2021.
Sa isang disclosure sa Philippine Stock Exchange (PSE), iniulat ng Globe na tumaas ang net income nito ng 27% year-on-year sa Php23.7 bilyon noong 2021.
Lumago rin ang service revenues nito ng 4% o Php151.5 bilyon sa pagtatapos ng 2021.
Ang revenues din ng kumpanya sa mobile business na bumubuo sa 69% ng service revenue ay tumaas ng 1% year-on-year sa Php103.7 billion sa pagtatapos ng 2021.
Dumami rin ang subscriber base nito ng 13% o 86.8 million sa nasabing panahon.
Maging ang home broadband segment ng telco ay nakapagtala ng record-high Ph029.4 bilyon na revenues noong 2021 na tumaas ng 10% year-on-year.
Nahigitan din nito ang 2019 levels ng 35%.
Madelyn Villar