Netflix, kaya bang isalba ng movie theaters?
Sanay na si John Fithian, pinuno ng trade body ng movie theater industry, na ipagkibit-balikat ang mga pahayag na ang Netflix ang magiging sanhi ng kamatayan ng big-screen.
Ngunit sa muling pagbangon ng mga sinehan mula sa pandemya ng Covid-19, at pagbaba ng stock ng Netflix pagkatapos ng unang pagkawala ng mga subscriber nito sa loob ng isang dekada, hinuhulaan ni Fithian na ang mga sinehan pa ang maaaring makatulong sa streaming giant na maka-agapay sa isang walang katiyakang hinaharap.
Sa CinemaCon, ang taunang Las Vegas summit ng National Association of Theatre Owners, ay sinabi ni Fithian . . . “The theater door has been open to play Netflix movies for years.”
Aniya . . . “I held ‘lots of discussions’ with Netflix content chief Ted Sarandos and ‘urged him to take a shot’ at seeing if they can also do well theatrically. I told him that I don’t look at share prices one way or the other — I just look at the data… you can make more money, even if you’re a streamer, if you put your best movies in theaters first.”
Ang malawakang pagpapalabas ng mga pelikula sa big screen bago ito i-alok sa mga subscriber ay malaon nang kontra sa lubhang matagumpay na business model ng Netflix, na naging sanhi para sa mga katulad ng Disney at Warner na magkumahog na makahabol sa tinatawag na streaming wars.
Binago ng Netflix ang Hollywood at ang paraan kung paano panonoorin ang mga pelikula, kung saan gumugol sila ng lubhang malaking halaga upang akitin palayo ang mga pangunahing artista sa tradisyunal na mga studio, at ipako ang mga mahihilig manood ng pelikula sa kanilang mga upuan.
Subali’t ang Netflix ay nawalan ng 200,000 users – na kanilang inanunsiyo nitong nakalipas na linggo – na sumindak sa Wall Street, sanhi para bumagsak ang shares ng higit sa 30 percent sa loob ng isang araw.
Nag-anunsyo na ang Netflix ng mga bagong diskarte na hindi nito nakikita noon, kabilang ang pagpapataw ng mas murang subscriptions sa advertising.
Sa kasalukuyan ay ipinalalabas ng streamer ang pinakaprestihiyoso nilang mga pelikula sa mga sinehan para sa limitadong pagpapalabas – upang maging kwalipikado ang mga ito para sa Oscars — ngunit maaari bang maging mas malawak ang pokus nila sa mga sinehan?
Ayon kay Fithian . . . “I think the Netflix model might evolve somewhat into that… we hope it does. A run in theaters means a movie ‘pops and stands out better’ movies that go straight to streaming services get lost.”
Kapansin-pansing mas maliwanag ang mood sa CinemaCon ngayong taon kaysa noong nakaraang Agosto, nang ang isang variant ng Covid-19 ay tumakot sa mga manonood ng sine, at binaypass ng mga studio ang mga sinehan sa pagpapalabas ng kanilang mga pelikula sa streaming.
Sa linggong ito, naging headline si Fithian sa pamamagitan ng pagdedeklara sa kanyang taunang address, na “patay” na ang pandemic-era trend ng pagre-release ng mga pelikula sa streaming kasabay ng araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.
Aniya . . . “That wasn’t just pulled out of thin air — that’s in consultation with lots of our studio partners about what they’re thinking on how they’re going to release their movies.”
Kamakailan ay pinasaya ng major studios ang theater owners sa pamamagitan ng pagbalik ng karamihan sa isang eksklusibong “window” kapag ang mga pelikula ay puwede lamang mapanood sa mga sinehan — kahit na sa loob ng 45 araw o mas mababa pa, mula sa humigit-kumulang 90 araw bago nag-pandemya.
Ayon kay Fithian . . . “It’s more of a discussion of how long a window — or period of exclusivity — should be. It’s not whether there should be one or not.”
Sa kabila ng mga prediksiyon na makababawi ang Netflix, may mga dahilan pa rin para magkaroon ng mga pag-aalala.
Sinabi ni Fithian . . . “Theater owners’ association was ‘very concerned’ about Amazon Prime. The subscription service’s business model was not ‘trying to make money off of movies’ but instead getting consumers to buy their groceries and use their shipping services.”
Binili ng Amazon Prime ang makasaysayang MGM ng Hollywood noong isang buwan sa pamamagitan ng $8.5 billion deal.
Nitong Miyerkoles, napabalita na iiwanan na ng liderato ng MGM film ang studio na nasa likod ng James Bond films at ng mga nag-hit kamakailan gaya ng “House of Gucci” at “Licorice Pizza.”
Ani Fithian . . . “If they’re buying companies that take movies out of the supply line for theaters, to basically only release them in the home, they’re reducing consumer choice and reducing competition.”
Noong nakaraang buwan, ang Apple TV+ ang naging unang streamer na nanalo ng best picture sa Oscars, na inilarawan ni Fithian na “very bizarre.”
Aniya . . . “We’re still very concerned about the Oscars, in general,” at tinukoy na ang mainstream smash hits gaya ng “Spider-Man: No Way Home” ay ni hindi man lamang napasama sa best picture nominations.