Nets, dinaig ng Bucks sa NBA opener
Naka-iskor ng 32 points si Giannis Antetokounmpo, nang idepensa ng Milwaukee Bucks ang kanilang NBA crown, sa pamamagitan ng isang season-opening 127-104 demolition ng Brooklyn Nets.
Matatandaan na pinangunahan din ni Antetokounmpo ang Bucks sa kanilang NBA victory sa nakaraang season, sa pamamagitan ng all-around offensive display na kinabibilangqn ng 14 na rebounds at seven assists.
Ang two-time NBA Most Valuable Player, ay isa sa limang Bucks na nakagawa ng double figures, noong gabing magdiwang ang fans ng Milwaukee nang itaas ng koponan ang una nilang championship banner sa loob ng 50 taon sa Fisery Forum.
Si Khris Middleton at Pat Connaughton ay kapwa nakagawa ng 20 points, habang si Jordan Nwora ay nagdagdag ng 15 points at si Jrue Holiday na tumigil sa paglalaro dahil sa injury ay nakapag-ambag ng 12 points.
Nasiyahan si Antetokounmpo dahil nakapokus ang atensiyon ng Bucks sa challenge ng Nets, makaraan ang pre-game festivities.
Aniya . . . “It was hard, we all were excited to get the rings, and seeing our banner. It’s kind of hard to balance that, to go from that excitement and emotional stage to go on and play a game. But I think we did a good job. We were able to focus on our game plan and ourselves and get a win.”
Tila parusa naman ang pagkatalong ito ng Brooklyn, na sinimulan ang season nang wala si Kyrie Irving.
Si Irving ay hindi isinama sa line-up dahil sa pagtanggi nitong magpabakuna laban sa Covid-19, kayat hindi ito maaaring maglaro para sa home games sa New York sanhi ng umiiral na mga batas sa naturang siyudad.
Pinangunahan ni Kevin Durant scorers ng Brooklyn sa pamamagitan ng kaniyang 32 points, nag-ambag naman ng 20 points si James Harden, ang newly signed na si Patti Mills ay nagdagdag ng 21 points, habang si Nic Claxton ay gumawa ng 12 points.
Ang Milwaukee-Brooklyn clash ay isa sa dalawang games na naka-schedule, para sa pagsisimula ng 2021-2022 NBA season. (AFP)