Network repairs ng mga telcos at ISPs, ipinapahinto ng NTC hanggang May 14
Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telcos at internet service providers (ISPs) na ihinto ang network repairs hanggang sa susunod na linggo.
Nagsimula ang suspensyon sa maintenance work simula Mayo 4 at magtatagal hanggang Mayo 14.
Ayon sa NTC, ito ay para matiyak na walang abala sa telecommunication services at digital connectivity ng election related communications sa nasabing panahon.
Pinapahintulutan naman ang mga emergency repairs basta mag-abiso sa NTC at ibigay ang mga detalye ng gagawin.
Inoobliga rin ang maintenance personnel at subcontractors na gumamit ng proper company ID, uniform at company marked vehicles sa lahat ng oras.
Binigyan ng NTC ng kopya ng abiso ang Commission on Elections, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Hiniling din ng komisyon sa Department of Public Works and Highways na suspindehin ang mga paghuhukay simula Mayo 4 hanggang 14 na maaring magdulot ng fiber cuts.
Una nang nakatanggap ang NTC ng sulat mula sa Globe Telecom ukol sa posibleng fiber cuts na maaring idulot ng paghuhukay sa mga kalsada.
Madelyn Moratillo