Neuro-Opthalmologist sa bansa kakaunti lamang, kaya mga mata dapat na pangalagaan, ayon sa mga eksperto

Dito sa Pilipinas, may tinatawag na Neuro-Opthalmologist Society of the Philippines at sa buong bansa, halos dalawampu lamang ang mga miyembro nito.

Sila ang gumagamot sa mga pasyenteng nabulag,  may double vision,  abnormalidad ng galaw ng mga mata  at iba pa.

Ayon kay Dr. Ulysses Doroteo, isang Neuro-Opthalmologist, halos lahat ng mga Neuro-Opthalmologist ay narito sa NCR.

Ilan lamang ang nasa  Luzon, Visayas at  Mindanao.

Kwento ni Doroteo, nagkikita kita lamang sila kapag sumasapit ang kanilang annual convention.

Ayon pa kay Doroteo,  karaniwang tinatalakay sa convention ay kung bakit lumalabo ang paningin, na hindi pangkaraniwan, lalo na isang mata lang, kaliwa o kanan o kaya ay sabay.

May mga pagkakataon din aniya na kapag na stroke, kapag natamaan ang bahagi ng utak na responsable sa vision, parehong lalabo ang mga mata.

Apektado din ang mga mata ng isang diabetic lalo na at labis ang taas ng kanyang blood sugar level.

Kaugnay nito, nagbigay ng simpleng tips si Dr. Doroteo kung paano mapangangalagaan ang mga mata.

“keep your eyes clean, pag hahawak po sa mata, maghugas muna ng kamay, huwag po tayong lalapit sa makakapwerhuwisyo sa mata, mga makakasundot sa mata,  huwag tayong mag bo boxing, kung tayo po ay nag mo motor, mag he helmet po tayo”. –  Dr. Ulysses Doroteo, Neuro-opthalmologist

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *