Neuromascular Dentistry, ano nga ba ito?
Hindi ibig sabihin na maganda ang ngipin o buo ang ngipin o mapuputi ang ngipin ay healthy na. Hindi lang dahil sa ngipin kaya meron kang nararamdaman na kirot, ang panga ay pinanggagalingan din ng sakit.
Ang upper teeth at lower teeth kapag hindi magkatugma ay puwedeng dahilan ng sakit, ibig sabihin ay may mali na.
Tandaan po natin na hindi basehan ang healthy teeth para hindi ka magkasakit, lalo pa at apektado ang temporo mandibular joints o TMJ o dugtungan ng ulo, kung saan kunektado ang ngipin.
Kapag mali o hindi tugma ang ngipin, may sakit ka pa rin. Ang resulta kapag ganito ay ang pagsakit ng ulo, leeg, likod o kahit tuhod at paa, maging ang muscles.
Bakit hindi nagtugma? Ang pinag-ugatan ay maaaring genetics o namana. Puwede din dahil sa “bad habits” ng pagkain kaya maagang napudpod ang mga ngipin.
At para malaman nga kung ang pananakit ng katawan ay dahil sa mga nabanggit, merong katawagan na neuromascular dentistry, nag level up na po, nag-evolve na mula sa TMJ.
Dito sa neuromascular dentistry, naka focus sa alignment ng ngipin at hindi lang sa beauty ng ngipin.
Dito lumalabas na kapag may maling kagat, maraming naiipit na ugat, at ang resulta maraming sakit, kahit walang sira ang ngipin.
Reminder ulit na dapat ang ngipin ay magkakatapat at ang baba at nguso ay magkatapat din. Kapag salu-salungat o makitid, marahil ito ang nagdudulot ng “pain”.