New Normal, dapat nang i-adapt ng publiko upang makaagapay sa nararanasang Pandemya
Parami ng parami ang bilang ng mga indibidwal at pamilyang naaapektuhan ng Pandemyang dulot ng Covid 19.
Sa panayam ng programang Lets Get Ready to Radyo kay Dr. AJ Orencia, Professor sa New Era University, sinabi niya na sa kasalukyang nagaganap sa mundo, hindi maikakaila na marami ang nakararanas ng anxiety, sadness, at maging ng depression.
Pero, hindi naman ito dapat na maging dahilan upang maging malungkot, mabalisa at ma-depressed dahil marami naman aniyang paraan upang ang mga nabanggit na negatibong emosyon ay malunasan.
Ayon kay Dr. Orencia, nakalulungkot man sabihin, maaaring matagalan pa bago maibalik ang normal na pamumuhay.
Sinabi ni Dr. Orencia, ang kailangan ay mai-adapt ang tinatawag na new normal na pamumuhay.
Payo pa ni Dr. Orencia, kailangang maging kalmado sa pagharap sa mga suliranin.
Hindi aniya makapag-iisip ng maayos kung pananatilihin ang mga negatibong emosyon at hindi ito gagawan ng paraan upang malunasan.
Mainam din anya na isama sa daily routine ang pagsasagawa ng deep breathing…. Inhale….Exhale…
Belle Surara