New variant ng COVID -19 nakapasok na sa Pilipinas – DOH
Kinumpirma ng Department of health o DOH na nakapasok na sa pilipinas ang bagong variant ng COVID – 19.
Ayon sa DOH natukoy ng Philippine Genome center o PGC ang pagpasok ng B.1.1.7 SARS-CoV-2 variant o UK variant.
Ito ay matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri sa isang pinoy na residente ng Quezon city na dumating sa bansa noong january 7 mula sa Dhubai .
Inihayag ng DOH na ng dumating sa bansa ang pinoy at ang kasama nito ay agad na isinailalim sa swab testing ang naturang pasyente.
Nagnegatibo ang kasama nito habang nagpositibo naman sa COVID- 19 ang naturang pasyente.
Ipinadala agad sa PGC ang resulta ng pasyenteng nagpositibo para sa Genome sequencing at doon pa lamang natukoy na positibo ito sa bagong variant ng COVID-19.
Sa ngayon , ikinakasa na ng Quezon city government ang contact tracing para agad na matukoy ang mga nakasalamuha ng naturang pasyente.