New York Knicks wagi kontra Milwaukee Bucks
Dinaig ng New York Knicks ang Milwaukee Bucks sa score na 113-98, sa kanilang paghaharap na ginanap sa Fiserv Forum sa Wisconsin nitong Biyernes (Sabado, Manila Time).
Matapos mangulelat ng 21 puntos, bumawi ang Knikcs hanggang sa matambakan nila ang Bucks sa score na 94-60, sa huling tatlong quarters.
Si Julius Randle ang top scorer na nakagawa ng 32 points, 12 rebounds, four assists at two blocks.
Si Derrick Rose naman sa pagtatapos ng laro ay nakapag-ambag ng 23 points, habang nagdagdag din ng 20 points si RJ Barrett.
Sa iba pang laro, wagi ang Cleveland Cavaliers laban sa Toronto Raptors sa score na 102-101.
Nakapagbuslo si Darius Garland ng dalawa para makaungos sa score at tuluyang manalo ang Cavs.
Nanguna si Garland sa limang players ng Cavs na nakagawa ng double-digit scoring. Nakapag-ambag siya ng 21 points.
Samantala, wagi rin ang San Antonio Spurs kontra Orlando Magic sa score na 102-89, habang tinambakan naman ng Washington Wizards ang Memphis Grizzlies sa score.na 115-87 at nagtagumpay din ang LA Clippers laban sa Minnesota Timberwolves sa score n 104-84.
126-85 naman ang score sa pagtatapos ng laro sa pagitan ng Golden State Warriors at Utah Jazz, na napagwagian ng Warriors.
Nagtagumpay naman ang Sacramento Kings sa Charlotte Hornets sa score na 140-110, habang nabigo ang Indiana Pacers na madaig ang Portland Trailblazers sa kanilang paghaharap, na natapos sa score na 110-106.