New Zealand, mananatiling naka lockdown
WELLINGTON, New Zealand (AFP) – Pinalawig pa ng New Zealand ang national Covid-19 lockdown.
Sinabi ni Prime Minister Jacinda Ardern, na ang mabilis na pagkalat ng lubhang nakahahawang variant ay nangangahulugang maaga pa para alisin ang mga restriksiyong ipinatupad noong isang linggo, matapos lumitaw ang isang virus cluster sa Auckland.
Aniya . . .”Delta had a head start on us and we’ve needed to catch up as quickly as we could, we don’t think we have reached the peak of this outbreak.”
Ayon pa kay Ardern, 35 bagong mga kaso ang na-detect kaya ang kabuuan ay umabot na sa 107 at higit 13,000 close contacts ang sumasailalim sa testing.
Ang lockdown sa New Zealand ay nakatakda na sanang matapos bukas (Martes), ngunit sinabi ni Ardern na magpapatuloy ito hanggang sa Biyernes at hanggang sa gabi ng August 31 sa Auckland.
Aniya . . . “The safest option for all of us right now is to hold the course for longer. This will allow us to have additional data and see if the virus has spread.”
Una nang inanunsyo ni Ardern ang planong bawasan ang mga restriksiyon sa susunod na taon, kapag tumaas na ang vaccination rates.
Bente porsiyento lamang ng populasyon ng New Zealand ang fully vaccinated na, isa sa pinakamababang bilang sa kalipunan ng mga mauunlad na bansa.
Agence France-Presse