NFA itinangging may kakapusan ng suplay ng bigas sa bansa
Hindi dapat mabahala ang publiko na magkakaroon ng kakapusan sa supply ng bigas sa bansa.
Sa panayam ng Liwanagin Natin sinabi ni Marietta Ablaza, Spokesperson ng NFA, mas mataas ang household at commercial stock ng inventory ngayong taon kumpara noong nakalipas na taon kaya walang dapat ikabahala ang publiko.
“Ang NFA gustong i-assure ang lahat ng mga mamamayan na mayroong sapat na suplay ng bigas at ang NFA ay magkakaroon narin po ng imported rice at ina assure namin na ipamamahagi namin sa mga mamamayan na mahihirap at handa po kami kaya wala pong dapat ipag-alala ang mga tao dahil ang gobyerno po ay ginagawa ang lahat para magkaroon ng sapat na suplay ng bigas”. -Ablaza
Paglilinaw ni Ablaza , ang buffer stock ng NFA ang kulang dahil sa hanggang 8 araw na lamang ang mayroon sila.
Aniya kinakailangan na mayroong buffer stock ng bigas ang NFA sa loob ng 15 araw, alinsunod sa LEDAC Policy .
Kaya kailangan na pagpasok ng lean month ay maging sapat ang kanilang buffer stock para may hawak silang bigas na magagamit sa panahon ng kalamidad at para maimpluwensyahan rin nila ang commercial rice na magbaba ng presyo.
“Para po in time of calamity and emergency dahil pagsapit ng june , july , august , september dyan na papasok ang bagyo so para maiready namin ang stock namin na ipamamahagi sa mga calamity victim thru dswd , pnrc, at lgu’s. Pangalawa po para po mayroon kaming bigas na hawak para pagdating ng lean month hindi tumaas ang presyo ng commercial rice at maimpluwensyahan namin ang commercial rice na magbaba ng presyo”. – Ablaza
Ulat ni: Marinell Ochoa