NFA nag ikot sa ilang pangunahing palengke sa Quezon City upang kumustahin ang muling pagbabalik merkado ng NFA rice
Ininspeksyon ng National Food Authority o NFA ang ilan sa pangunahing palengke sa Quezon City gaya ng commonwealth market kaninang umaga.
Kasama sa nag ikot si National Food Administrator Jayson Aquino sa mga tindahan ng bigas sa commonwealth market naabutan pa ang ilang mga mimili na 27 pesos variant na ng nfa rice ang piniling bilhing bigas.
Ayon kay Aquino walang posibilidad na magkaroon ng panic buying ng ating mga kababayan sa pagbili ng NFA rice.
Hindi na aniya papayagan ng NFA ang muling zero buffer stocking ng NFA rice sa bansa.
Sa pamamagitan ng presidential approval magkakaroon aniya ng goverment procurement na isa sa pinakamabilis na paraan upang maka angkat pa ng kinakailangang buffer stock para sa food security at price supply stabilization.
Mahigpit din nilang babantayan ang mga pangunahing palengke sa bansa upang masiguro na walang mananamantalang mga retailer na nagbebenta ng NFA rice.
Sa ngayon limitado lang muna sa limang kilo ang maaring bilhin ng kada consumers dahil sa limitadong stock pa nito sa merkado.
Sakali na makumpleto na ang stocks ng NFA rice sa bansa bababa na din anila ang presyo ng ilang mga commercial rice na aabot sa piso hanggang dalawang piso.
Hindi pa anila nai-a-unload lahat ng mga stocks ng NFA rice dahil sa masamang panahon nasa 90 percent pa palamang ang dumating na stock ng nfa rice sa bansa.
Inaasahan din na mabibili na sa merkado ang isa pang variant ng NFA rice na halagang 32 pesos sa mga susunod na linggo.
Bukod sa commonwealth market inikot din ng nfa ang ilan pang mga pangunahing palengke sa Quezon city upang siguruhin na walang na nanamantalang mga dealers sa muling pagbabalik merkado ng NFA.
Ulat ni Earlo Bringas