NFA nakapamahagi na ng 10,000 sako ng bigas sa Marawi City
Aabot na sa halos sampung libong sako ng bigas ang naipamahagi ng National Food Authority sa mga relief-giving agencies para maipamahagi sa mga biktima ng gulo sa Marawi City.
Mula June 23 hanggang June 28 ng taong kasalukuyan, nakapagbigay na ang NFA ng 6,067 na bag ng bigas sa Department of Social and Welfare and Development.
600 sa mga sako nito ay mula sa NFA Misamis Oriental; 1,867 sako galing sa General Santos City; 2,400 na sako mula Cotabato City habang 1,200 na sako naman ang galing sa Maguindanao.
Please follow and like us: