NFA sa publiko: Iwasan ang Rice hoarding

Nakiusap ang National Food Authority o NFA sa publiko iwasan ang pagho hoard ng NFA  rice.

Ito’y para makabili rin ng murang bigas ang mga mahihirap.

Sinabi ni Estoperez na pinag-aaralan  nila na limitahan sa limang kilo
kada tao ang ipagbibiling bigas.

Hindi naman aniya dapat mabahala ang publiko dahil magkakaroon ng
sapat na suplay hanggang agosto o bago ang anihan ng mga lokal na
magsasaka.

“Lumalabas kasi dyan, pag may namuhunan sa kanila na dati na nating naobserbahan, kung isang pamilya po ay lima sila, lima rin silang pumipila,. Ayaw sana natin ng pila at kung marami tayong stocks, maganda kung ikalat natin ito sa mga accredited retailers para walang pila at paulit-ulit. Yung iba kasi paulit-ulit pero binebente rin pala”.

Sa ngayon, masusi aniya nilang babantayan ang mga retailers para
matiyak na hindi ito mahahalo sa mga commercial rice.

May natanggap kasi aniya silang report na inihahalo ang NFA rice sa
mga well -milled rice para maibenta sa mas mahal na halaga.

 

===============

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *