NFA tiniyak na wala pang pekeng bigas sa merkado
Tiniyak ng National Food Authority na walang matibay na ebidensiya na kumakalat at ibinebenta na sa merkado ang mga pekeng bigas.
Ayon kay Rebecca Olarte, NFA Assistant for Public Affairs, regular ang monitoring nila at wala naman silang nakikitang problema sa merkado.
Apela ng ahensya sa publiko, iwasan na ang pagkakalat ng maling balita dahil nakakalikha lamang ito ng takot.
Please follow and like us: