NGCP , naglunsad ng ceremonial switch-on para sa PhP 51.3-B MVIP
Naglunsad ng sabayang ceremonial switch on ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa ibat ibang lugar sa bansa matapos ang full energization ng Mindanao-Visayas Interconnection program ( MVIP ) .
Idinaos ang seremonya sa Malakanyang na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos , Jr. kasama ang Dumanjug Converter Station sa Cebu at Lala Converter Station sa Lanao del Norte, na sinaksihan naman ng national at local government officials.
Naaprobahan noong July 2017 ang MVIP na nagkakahalaga ng PhP 51.3 Billion.
Ang MVIP, na nag-uugnay sa Luzon, Visayas, at Mindanao grids, ay itinuturing na mahalaga sa economic development upang maghatid ng stable power transmission services.
Binubuo ang MVIP ng 184 circuit-kilometer (ckm) na High-Voltage Direct Current (HVDC) submarine transmission line na nag-uugnay sa power grids ng Mindanao at Visayas na may transfer capacity na 450MW, na pwedeng palawigin nang hanggang 900MW.
Kasama rin sa proyekto ang converter stations sa parehong rehiyon at mahigit sa 500ckm na overhead lines upang mapadali ang daloy ng kuryente.