Ngiping Baku-Bako, Sungki-Sungki Mas Prone sa Tooth Decay
Magandang araw sa lahat! Pag-usapan natin ang ukol sa tuwid na ngipin, mga ngiping baku-bako at mali o di tamang kagat o bite.
Ang tuwid na ngipin ay madaling linisin, kapag nagsesepilyo madaling sumunod kumpara sa mga ngiping baku-bako, sungki-sungki, at ibat ibang klase ng misalignment. Ang epekto nito ay more on oral hygiene and oral health.
So, kapag hindi tuwid ang ngipin, prone sa tooth decay, mas madaling masira ang ngipin dahil mas maraming pinagbabahayan ang mikrobyo at kung mali ang kagat magiging stressful ang function nito o ang pagkagat.
Sa nakaraan ay nabanggit na natin na ang pagkagat ay kailangang tugma. Ang relaxed position ay hindi dapat magkadikit ang mga ngipin. Kapag hindi kumakain, bakit kailangang pagdikitin? Mapapagod ka at madaling mapupudpod ang ngipin, magagasgas o mabubutas kapag laging magkadikit.
Kung ang ngipin ay straight o tuwid, tama ang bite, mas matagal ang lifespan ng ngipin kumpara sa mga tao na sungki-sungki na mali ang kagat. Kaya mahirap linisin, at ang trabaho ng ngipin ay nasosobrahan. Halimbawa, kapag open bite, ang nagtatrabaho lang ay ang likuran. Ganundin kapag crowbite, stressful talaga sa ngipin. Meron ding tinatawag na “crowding” kung saan nagsisiksikan ang mga ngipin. Hindi makahinga ang gilagid.
Karaniwan na may problema sa “crowding” ay mga batang nabunutan ng maaga at ang mga nanay gumagamit o gumamit ng pacifier para sa kanilang mga anak.
Meron ding tinatawag na overjet, ito ‘yung mga nakausli ang mga ngipin, sobrang nakatikwas na parang lilipad. Karaniwan na kapag overjet ay ngongo, o nasal voice.
As early as possible, dapat na magawan ng paraan ito, lalo na’t bata pa lang ay makikita na kung straight o hindi ang ngipin ng bata. Bata pa lang kapag hindi maganda ang ngipin, hirap ngumiti, lalo na sa mga adult na pinipigil ang kanilang pag-ngiti dahil sa hindi maganda ang mga ngipin.
Tandaan na kapag hindi straight ang ngipin, maraming problemang dulot.
Kapag nakita natin na hindi naka-align ang ngipin, dalhin na sa dentista para maitama habang bata pa.
Ang epekto ng mga ngipin na stressful ang kagat, prone sa gum disease.