Nicanor Faeldon, itinalaga bilang hepe ng Bureau of Corrections

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang pinili ni Pangulong Duterte na maging susunod na Director- General ng Bureau of Corrections kapalit ni Ronald Bato dela Rosa na kakandidato sa pagka-senador.

Ayon kay Guevarra, walang naging pagtutol ang DOJ sa panukalang appointment ni Faeldon bilang BuCor Chief.

Sinabi ng kalihim na kinukuha pa ni Faeldon ang endorsement ng Civil Service Commission na  isa sa mga requirement sa ilalim ng Bureau of Corrections Act of 2013 para pamunuan ang BuCor.

Si Faeldon ay kasalukuyang Deputy Administrator ng Office of the Civil Defense.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *