Nickel mining exploration sa Sibuyan Island aprubado ng mga residente
Tuloy na ang nickel mining exploration sa Sibuyan Island sa Romblon matapos lumagda sa isang Memorandum of Cooperation ang kumpanyang Altai Philippine Mining Corporation (APMC) at Sibuyan Civil Society Organization (CSO-MASIKAP) na binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, senior citizen,
katutubo, kababaihan at iba pang sektor.
Sinabi ni Atty. Stephen Cascolan, Chief Executive Officer (CEO) ng Altai Philippine Mining Corporation na lahat ng nakalagay sa kasunduan para sa kapakanan ng mga nakatira sa Sibuyan Island ay tutuparin ng kompanya tulad ng livelihood program at social services kasama ang pagtatayo ng mga paaralan
at hospital.
Inihayag naman ni Raymond Cometa, President at lead convenor ng CSO MASIKAP na pinanghahawakan nila ang pangako ng Altai Philippine Mining Corporation na makikinabang ang mga taga Sibuyan Island na matagal ng napag-iwanan ng pag-unlad dahil sa kahirapan.
Ayon kay Cometa naipaliwanag na nila sa kanilang mga kalugar na tumututol sa operasyon ng Nickel mining ang magiging pakinabang ng mga nakatira sa Sibuyan Island.
Ang Altai Philippine Mining Corporation ay sub contractor mismo ng gobyerno para sa pagmimina ng Nickel sa Sibuyan Island na tatagal ng 25 taon.
Vic Somintac