Nicotine replacement therapy, isang mainam na paraan sa mga nagnanais na tumigil sa paninigarilyo, ayon sa mga eksperto

Isang mahirap na gawin para sa mga matagal nang naninigarilyo ay ang pagtigil sa masamang bisyong ito.

Totoo naman na maraming mga naninigarilyo ang sumubok na ito ay tigilan ngunit ang nakalulungkot, hindi tama ang pamamaraan nila ng pagtigil o pagpigil na manigarilyo, kaya naman nagkakaron ng tinatawag na withdrawal syndrome.

Ayon sa mga eksperto, ang withdrawal symptoms ay isang kundisyon kung saan ang buong katawan ay nakararanas ng masamang pakiramdam at pagkakabalisa dala ng biglang pagtigil sa bisyong nakasanayan na.

Samantala, sa kasalukuyan, may iminumungkahi ang ilang eksperto na paraan upang mapigil o matigil ang paninigarilyo.  tinatawag itong nicotine replacement therapy.

Binigyang diin pa ng mga eksperto,  ang paghinto sa paninigarilyo ay hindi biro.  kailangan ng tiyaga at determinasyon upang maging matagumpay ang pagnanais na itigil ang masamang bisyong ito.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *