Night shift differential at hazard pay, aprubado na sa Senado
Aprubado na ng Senate Committee on Civil Service ang panukalang batas na magbibigay ng night shift differential at hazard pay sa mga empleyado ng gobyerno.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes, sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na Linggo, nakatakda nang isalang sa plenaryo ang panukala para pagbotohan ng mga Senador.
Pero sa Senate Bill 1562 aabot sa 20 percent sa daily rate ng mga empleyado ang ibibigay na night differential na aplikable rin sa mga mangagawa ng mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCC’s).
Ang hazard pay ay ipagkakaloob naman sa mga empleyado na naka-assign sa mga lugar na idedeklarang mapanganib ng Department of National Defense, mga x-ray clinics, laboratories o mga lugar na mapangnaib sa kalusugan dahil sa exposure sa radiation.
Sakop rin nito ang kulungan at arsenal ng bansa.
Nilinaw naman sa panukala na lahat ng Government workers at makatatanggap ng benepisyong ito kahit mga contractual, temporary o casual.
Ulat ni Meanne Corvera