Nilagdaang EO vs. Illegal Contractualization, dapat gawin nang isang batas – Prof. Clarita Carlos
Positibo ang pananaw ni Political Analyst at UP Professor Clarita Carlos sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order o EO na tuluyang nagbabawal sa anumang uri ng iligal na kontraktuwalisasyon.
Sa panayam ng programang Isyu ng Sambayanan ng Radyo Agila-DZEC, sinabi ni Carlos na ang nasabing EO ay para sa mga employers na umiiwas sa mga obligasyon at pagkakaloob ng benepisyo para sa kanilang mga empleyado.
Napapanahon na aniya para mabigyan ng hustiya ang paghihirap ng mga manggagawang Filipino.
“Ikaw, halimbawa may pamilya ka at alam mong at the end of 6 months, andami na namang agam-agam and the anxiety level is so high because meron kang continuting responsibility at the same time, every 6 months ikaw ay ninenerbyos dahil hindi mo alam kung ikaw ay magre-renew. Kailangang pasayahin mo ang iyong mga empleyado, they are really going to work well”.
Kasabay nito, hiling ni Carlos na sana ay gawin nang isang ganap na batas ang nilagdaang EO dahil mawawala lang ito kung iba na ang administrasyon.
“Dapat ang mga legislators, gawin na nilang RA para may stability. Kasi kung EO lang yung susunod Presidente puwede nyang burahin yun”.
================