Nirebisang IRR ng Good Conduct Time Allowance law, isusumite ngayong araw
Isinasapinal na ng binuong Joint Committee ng DOJ at DILG ang nirebisang Implementing Rules and Regulations sa RA 10592 o batas sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Justice Undersecretary for Correctional system Deo Marco, ngayong araw nakatakdang isumite ng Joint committee ang draft ng revised IRR at guidelines sa kompyutasyon ng time allowances sa mga bilanggo.
Partikular na nirebyu ng Joint DOJ-DILG committee on the GCTA ang IRR at Uniform Policy and Guidelines sa kompyutasyon ng time allowances sa ilalim ng RA 10592.
Sinabi ni Marco na isa mga importanteng inilatag sa revised IRR ay ang safeguards sa implementasyon sa GCTA para maiwasan ang pag-abuso sa batas.
Layon din anya ng nirebisang panuntunan na maging transparent para maiwasan ang kontrobersya sa kwestyonableng pagpapalaya sa ilang mga convicts.
Ulat ni Moira Encina