NKTI: Mga pasyenteng sumasailalim sa Dialysis dumarami
Dumarami ang mga Kidney patients na sumasailalim sa dialysis sa kabila ng nararanasang Pandemya.
Ito ang sinabi ni Dr. Rosemarie Liquete, Executive Director ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Ayon kay Liquete, sa buong bansa umaabot sa 12,000 -15, 000 ang Dialysis patients nila at karaniwang umaabot sa tatlong beses kada linggo ang dialysis session ng isang pasyente.
Ito anya ang dahilan kung bakit madaling maubos ang cash advance na ibinibigay ng Philhealth.
Sinabi ni Liquate na 90 sessions ang sinasagot ng Philhealth at ito ay napakabilis na maubos ng mga dialysis patients.
Kaugnay nito, hinihikayat ng NKTI ang mga Dialysis patients na sumailalim sa transplant.
600,000 piso naman ang iniaalok ng Philhealth para sa Kidney Transplant package.
Sa ngayon, inaabangan ang desisyon sa Philhealth kung itutuloy ang unlimited Dialysis session.
Belle Surara