NLEX Harbor Link R-10 section nakatakdang matapos ngayong taon

Pinasinayaan na ang NLEX Harbor Link Road 10 Navotas Section ngayong araw.

Pinangunahan ang seremonya ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways, mga opisyal ng pamahaalaan at iba pang miyembro ng build build build team ng Duterte administration,

Ang nasabing proyekto ay may habang 2.6 kilometers.

Ang R-10 section ng NLEX harbor link ay karugtong ng 5.7 kilometers segment 10 elevated expressway na dadaan ng Mc Arthur Highway sa Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon, C3 Road at 5th Avenue sa Caloocan City.

AngNLEX Harbor Link segment 10 ay magiging susi para mabawasan at ma-decongest ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila na napakabigat ng daloy ng trapiko.

Target ng build build build team na matapos sa susunod na taon ang nasabing proyekto na nasa ilalim din ng traffic decongestion program ng DPWH.

Ang NLEX Harbor Link R-10 Navotas section ay magbibigay din ng alternatibong daan sa EDSA at iba pang busy streets sa Metro Manila.

Kapag nabuksan na ang nasabing proyekto 24/7 na ang access mula sa mga port at mga pupuntahang lokasyon ng mga cargo trucks sa North at South.

Ang NLEX harbor link ay magsisilbi ding NLEX_SLEX connector road na tiyak na makapagbibigay ginhawa rin sa mga motorista.

Ulat ni: Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *