No more appeal sa ICC – PBBM
Hindi na iaapela ng Pilipinas ang desisyon ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) na ibasura ang hiling ng Office of the Solicitor general (OSG) na suspendihin nito ang imbestigasyon sa war on drugs sa ilalim ng Duterte Administration.
Sa ambush interview, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ‘disengaged’ na ang Pilipinas sa ICC.
“We don’t have a next move that is the extent of our involvement with the ICC. That ends all our involvement with the ICC. Because hindi na tayo mag appeal, the appeal has failed and there is in our view, there is nothing more that we can do in the government and so at this point we essentially are disengaging from any contact, from any communication,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi ni Marcos na babalik ang bansa sa posisyon nito na huwag maki-isa sa anomang imbestigasyon ng ICC dahil sa napaka-seryosong kwestiyon sa hurisdiksyon nito sa Pilipinas.
Binigyang-diin ng Pangulo na itinuturing ng gobyerno ang hakbang ng ICC bilang panghihimasok sa soberensya ng bansa.
“We cannot cooperate with the ICC considering the very serious questions about their jurisdiction and about what we consider to be interference and practically attacks on the sovereignty of the republic. So that pretty much it we have no longer any recourse when it comes to the ICC,” sabi pa ni Marcos.
Meanne Corvera