No personal filing policy sa Korte Suprema, pinalawig hanggang sa Setyembre 21
Bagamat pisikal na bukas ang mga tanggapan ng Korte Suprema ay mananatiling hindi papayagan ang personal na paghahain ng mga kaso, mosyon at iba pa.
Ito ay bunsod pa rin ng nakakaalarmang bilang ng kaso ng COVID 19 sa NCR at mga kalapit lalawigan.
Alinsunod sa memorandum circular na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo, pinalawig hanggang sa Setyembre 21 ang no personal filing policy sa Korte Suprema.
Ayon pa sa kautusan, limitado pa rin ang operational capacity ng Supreme Court.
Ang tanging essential staff na hindi lalagpas sa 15% ang pinapayagan na pumasok ng pisikal sa ilang tanggapan gaya sa OCC-En Banc at Divisions, JRO, FMBO, OAS
SC, FMO-OCA, OAS-OCA, Financial Divisions ng PHILJA/PMCO/OHJ, at Internal Audit.
Maaari naman na hanggang 30% ang magreport sa trabaho sa Office of the Bar Confidant, Medical and Dental Services, Security Division, at Maintenance Division
Ang mga empleyado na pisikal na papasok ng rotational basis ay kailangang determinahin ng mga hepe ng tanggapan.
Dapat din na masuri nang mabuti ang lagay ng kalusugan ng mga kawani bago makapasok sa SC premises at wala silang anumang sintomas ng sakit.
Ang nalalabing court personnel ay work-from-home at pinapayuhan na huwag lumabas ng tahanan maliban sa extremely urgent necessities.
Moira Encina